Kapamilya stars, employees bid goodbye to ABS-CBN Tower

Nagtipun-tipon ang officials, contract stars, mga empleyado, at mga dating tauhan ng Kapamilya Network sa ABS-CBN compound, sa Quezon City, noong Miyerkules, Hulyo 9, 2025, para sa kanilang madamdaming pamamaalam sa gusali at iconic Millennium Transmitter o ABS-CBN Tower.

Nakatakdang buwagin ang dating gusali ng ABS-CBN at ang Millennium Transmitter dahil ipinagbili na sa Ayala Land, Inc. ang malaking bahagi, o tatlong ektarya, ng ari-ariang kinaroroonan ng kanilang mga studio, chapel, at ng Dolphy Theater.

Sa annual meeting ng mga stockholder noong Hunyo 25, ibinalita ni ABS-CBN President at CEO Carlo Katigbak na ipapasa na nila ang ipinagbiling ari-arian sa Ayala Land sa Disyembre 2026.

Read: ABS-CBN, ibebenta ang malaking bahagi ng lupa sa halagang P6.2B

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon sa isang empleyado ng Kapamilya Network na dumalo sa pagtitipon noong Miyerkules, hindi sinabi sa kanila ang eksaktong petsa pero nalalapit na umano ang pagbuwag sa makasaysayang Millennium Transmitter, na isa sa mga itinuturing na landmark sa lungsod ng Quezon.

Suot ang kanilang mga T-shirt na may tatak na “Forever Family” at “Kapamilya Forever,” nagbalik-tanaw ang mga dati at kasalukuyang empleyado ng ABS-CBN sa maliligayang araw ng kanilang paglilingkod sa TV network.

Hindi pinagkalooban ng bagong prangkisa ng Kongreso ang ABS-CBN noong Hulyo 10, 2020, sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte, dahil malaki at hindi itinatago ang galit ng Pangulo sa network.

Read: Updated: ABS-CBN Corporation franchise renewal timeline

Pinangunahan nina ABS-CBN former executives Gabby Lopez III at Charo Santos-Concio; ABS-CBN executives Carlo Katigbak, Mark Lopez, at Cory Vidanes; broadcasters Noli de Castro at Karen Davila; Coco Martin at Maricel Soriano, at marami pang iba ang pamamaalam sa tuluyan nang nagdilim na Millennium Transmitter na naging malaking bahagi ng buhay ng mga Pilipino na tumatangkilik sa Kapamilya Network.

CONTINUE READING BELOW ↓

KAREN DAVILA’S POST

Kanya-kanyang posts ang Kapamilya stars at employees ng kanilang mga larawan at saloobin sa pamamalaam nila sa ABS-CBN Tower.

Isa na rito ang news anchor na si Karen Davila.

Sabi ni Karen sa bahagi ng Instagram post nito: “An emotional goodbye to our beloved ABSCBN TOWER… the first to be dismantled before the iconic ABS-CBN building in the coming months. The tower that has broadcast to millions of Filipinos for decades since 1986. My heart aches.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“I am so moved seeing everyone come together. After what’s unjustly been done to ABSCBN—not renewing its franchise in 2020—we are still here – standing together, smiling, creating. Resilient.

“’Memories are not held by things but carried by people,’ a powerful truth from our president, Carlo Katigbak. A testament that we will continue to tell stories that will live in the hearts of the Filipino.”

Read: Lolit Solis: Far from perfect, fascinating till the last


Tags

Share this post:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Category

Stay Loud with Faces of Rock!

Get exclusive rock & metal news, raw live shots, killer interviews, and fresh tracks straight to your inbox. Sign up and fuel your passion for real rock!

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit, sed do eiusmod tempor incididunt ut labore et dolore