Jessica Sanchez, inilahad ang pangalan ng kaniyang baby girl

Ipinakilala na ni “America’s Got Talent” Season 20 winner Jessica Sanchez ang kaniyang magiging baby girl.

Sa kaniyang Instagram, nagnilay ang Filipino-American singer matapos ang kaniyang tagumpay sa naturang talent show, kasabay ng pagbabahagi sa pangalan ng kaniyang baby girl na si Eliana Mae.

“I’ve taken the last two days to sit still, breathe, and truly process everything that just happened,” pagbabahagi ni Jessica.

“My heart is overflowing with joy, gratitude, and a peace I can’t quite put into words,” dagdag niya.

Ayon kay Jessica, resulta ng kaniyang mahabang paglalakbay ang kaniyang pagkapanalo.

“Winning ‘America’s Got Talent’ wasn’t just about a single performance or one night… It was about a journey that began over 20 years ago,” sabi niya.

“From a little girl with a dream and a voice that was bigger than her confidence, to the countless auditions, rejections, stages, and moments of doubt along the way… every single step shaped me and prepared me for this moment,” dagdag ni Jessica.

Sa kaniyang post, pinasalamatan ni Jessica ang kaniyang pamilya, mga kaibigan, at tagasuporta at tinapos ito sa pamamagitan ng pag-aalay ng kaniyang tagumpay sa kaniyang anak.

“And to my baby girl, Eliana Mae.. Mama did it. We did it.”

Unang sumali si Jessica sa “America’s Got Talent” noong 10-anyos pa lamang siya at umabot sa semi-finals. Kalaunan, sumikat siya bilang runner-up sa “American Idol” Season 11.

Nagbalik siya sa AGT noong Hulyo, kung saan kinanta niya ang “Beautiful Things” ni Benson Boone at nakakuha ng golden buzzer mula kay Sofia Vergara.

Sa huling yugto ng kompetisyon, ibinigay ni Jessica ang isang kabigha-bighaning performance ng “Golden Hour” ni JVKE.

Bago nito, nag-release rin si Jessica ng isang kanta tungkol sa kaniyang pagbubuntis na pinamagatang “Two Lines.” —Jamil Santos/VBL GMA Integrated News

 

Tags

Share this post:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Category

Stay Loud with Faces of Rock!

Get exclusive rock & metal news, raw live shots, killer interviews, and fresh tracks straight to your inbox. Sign up and fuel your passion for real rock!

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit, sed do eiusmod tempor incididunt ut labore et dolore